Saturday, November 10, 2012

Chapter 13


CHAPTER 13: Inuman Session





“Totoo ba ang mga pinagsasabi ng babaeng yun? Girlfriend pa talaga sya ni Kiro? Pero kaninang umaga habang kausap ko si Kiro, ganun pa din naman ang trato nya sakin. Ganun pa din ang boses nya. Halatang mahal na mahal pa din nya ako. Pero bakit ganun?! Sobrang sakit lang!” Kausap ko sa sarili ko. =(((



“Alam mo, friend.. ahmn. Kung kami sayo, kausapin mo muna si Jaki. Hindi yung para kang tanga dito sa table natin, umiinom at nagsasalita mag-isa.” – Anne



Oo nga pala. Nandito kami sa resto bar ng tatlo naming barkada, sina Mary, Mae & Emcee.


Dinadamayan nila ako sa “pagluluksa” ko.. di naman kami kumpleto, wala kasi si MM. Di ko naman sya tineks kasi baka malaman nya na naglalasing ako dahil kay Kiro. Baka masapak nya ng di oras si Kiro. Kawawa naman yun, mahal ko pa naman yun..


Argh! Oo! Mahal ko pa din si Kiro kahit sinaktan nya ko! Martir lang diba?

“Oo nga friend! Para saan pa at LM graduate ka, kung di mo muna aalamin ang totoong nangyari. Maghanap ka muna ng ebidensya bago ka mag-conclude ng isang conclusion.”-Zac


“Wow friend huh! Rhyme yun! Panalo ang punch line mo te!”-Emcee

At nag-apir pa ang Bakler Twin..

Bgla akong napatayo sa pagkakayuko ko sa lamesa..


TING! May naisip akong isang solution bgla para malaman kung ano ba talaga ang totoong nangyari. Haha. Loko kang Kiro ka, at isama mo pa yang babae mo! Humanda kayong dalawa! Makikita nyo! Tatayo ako at dudurugin ko kayong dalawa! Mga hinayupak! Hahaha XD





AUTHOR’S NOTE: Alam ko po kung anong iniisip nyo! Bitin po diba? Hahaha sorry. Galing sa sakit kaya ganyan. Ilang araw akong di makapag-isip ng events e. churi \../ (*o*)\../



No comments:

Post a Comment