Monday, October 29, 2012

Spark


AUTHOR’S NOTE: Dahil bitin yung two previous chapter, babawi ako dito. Pinilit ko lang mag-update para kahit papano tumahimik ang utak ko. Pinipilit kasi ako ni brainy na i-type/isulat yung mga ideas na nasa isp ko. Pa-birthday ko na din po kasi yun kay Ms. Debutante herself, Miss Rio Ramboyong. Love you, Mommy =))))





CHAPTER 7:



Habang kumakain…



“Ma..Pa… Maaga po akong aalis ngayon huh. Magbabasa kasi ako sa library. Baka may biglaang recitation sa Torts & Damages class ko po.”-ako



“Kahit kelan ka talaga Baby! Enjoy life naman! Wag puro aral! Mababaliw ka nyan! Sayang! Ang ganda mo pa naman!”-Kuya Jafz


“Sabay ka na sakin. Dun naman ang way ko. May photo shoot kami malapit sa school mo e”-Ate Jackz.


“Hayaan mo sya Jafz! Wla tayong magagawa kung masipag yang kapatid mo. Pero sana naman Shobe, hinay-hinay lang. Nangangayayat ka na e”-mama


“Dapat siguro ay maghanap ka na ng lalaki para ma-enjoy mo kahit papano ang student life mo”- papa



Ganda ng term ni Papa! Lalaki talaga! Parang mga pinick-up lang sakanto eh! Yuckkkkkk!Groooosssss! Eeeewww!



“Oo nga Sweety! Madami naman gwapo sa school mo. Sa ganda mong yan imposibleng walang na-a-attract sayo.”-Ate Jackz



“Talagang imposible! Ang ganda kaya ng genes natin! Chua at Onggpauco ba naman e! Di ba Honey?”mama



“Hahaha oo naman Honey!”papa



“Ah..E.. Parents, ate, kuya…I want to share something to you…” –ako




Lahat sila napatigil sa pagkain. As in, binitiwan talaga nila yung spoon & fork eh. Hayy family!!! Tugs! Tugs! Tugs! Kinakabahan ba ko? Hala! Bhala na! I need to tell them this naman e.




“My crush ako sa skul. And….He’s a Civil Engineering student.” Pikit-mata kong sabi..




1..






2..






3..






4..






5..





“Engineering student pala…----What the…?!--”kuya Jafz.





“Shut up Kuya! Wag mo ng ituloy! Baka tarakan ka ni Mama ng kutsilyo! Kaw din!”-Ate Jackz.



Di ko na lang pinansin ang pag-aaway nina ate. I don’t care naman din. Haha. What I care about is the reactions of my parents.




“Pa…?”-ako




“Go for it! I like him! Do you go on a date? Kelan namin sya makikilala? E yung parents nya? Okay yan Shobe! Keep it up!”-papa





O___________________O




Ano daw sabi ni Papa???? Grabe! Porke’t engineering ganun na agad sinabi nya?! Bias! Boooo! E teka bakit si kuya parang iba ang gusto? Di ba nya type ang mga engineering stud? Not for him, para sakin syempre haha. Lalaking-lalaki yan si kuya e haha





“Kuya Jafz…..A—ayaw mo ba….?”-ako




After a few seconds….. Drum roll……





“Nagulat talaga ako Baby! Kala ko, ayaw mo sa mga engineering. Well, nice choice! Ang babait kaya nila! D ka magugutom sa mga yan! Mayayaman yan haha. Want some evidence?”-kuya Jafz





Do I really need to see some evidence? Duh! Tgnan ko lang sina Papa at Kuya e…




(AUTHOR’S NOTE: Wag kang maniwala sakanila Jamila! Di lahat ng engineering student ganun!)
(Bitter lang, Miss Author? May pinaghuhugutan a!?-Jamz)
(Meron talaga! Sobrang  lalim! Kasing lalim ng Earth’s core! haha)




“Ma…?”-ako



“Do what makes you think na magpapasaya sayo. Kung masaya ka, go for it. Nandito lang kami anytime. At sana naman, Shobe ay ipakilala mo sya samin huh. Wag naman ikaw gagaya sa ibang kabataan jan na nagpapaligaw sa kanto, sa facebook, sa twitter o sa kung saan-saan. Papuntahin mo dito sa bahay. Nang ma-determine namin kung maaalagaan ka talaga nya. E kung hindi, aba! Baka ibalik naming sya sa nanay nya! Wag ka nyang lolokohin! Makakatikim yun ng kamao namin!”-mama



Aww! I so love my family!


Their very supportive talaga!



Sana nga nanliligaw sakin si Kiro.. E ang problema, nagsasabi na sya ng “I love you” e di pa naman sya nanliligaw sakin or sinasabi sakin kung ano ba talaga kami, ano talaga ako sakanya.. Hayyy sana, the feeling is mutual talaga!



Kasi pagkabunggo palang namin, nung nagkita kami sa Eng’r. Bldg. sobrang like na like ko na sya..



 Ayy wait! Di na lang like! Love na talaga! Haranahin ba naman ako sa umaga e! Ang sweet lang! Sana sa personal din.. Sarap mag day dream hohoho :D








-BANDANG 1PM umalis na kami ni Ate Jackz. Hinatid muna nya ako bago sya pumunta sa shooting nila. Since malapit lang naman ang school ko sa bahay, pwede ngang lakarin diba hahaha, Wala pang 5 mins, nasa skul na ko HAHAHA :)))




Dumeretso agad ako sa library….



Gravity! Andami lang tao! May mauupuan ba ko nito?! =(((




“Jamz!” may tumawag sakin.



 Nasan ba yung tumawag sakin? Teka. Wala pala kong salamin. Malamang sa alamang may Makita ako dib a? haha


Yun! Nasa bag ko pala. Kaya pala anlabo ng paningin ko e! Olats hahaha. Sinuot ko na yung salamin ko..





“Jamz!” peste naman! Sino ba un? Makasigaw parang wala ng bukas! Prang wala sa library kung makasigaw e! O, si Kiro lang pala e!





O____________________________O


Si Kiro?! Kiro My Loves pala ang tumatawag sakin..



Lumapit ako sa table nila. May mga kasama sya. Di ko mga kilala e. pero may mga itsura din.


Pinatunayan nila ang kasabihang, “Tell me your friends are, and I will tell you who you are!” Mga gwapings din tulad ni Kiro! Pwede! Havey na havey!





“Hello!”-ako


“May upuan ka na ba?”-kiro




Heller! Muka ba kong may upuan?! Para saan pa at palinga-linga ako sa library at naghahanap ng upuan kung may upuan nga ako! Loko talaga tong si Papa Kiro >______<



Pero okay lang. Siya naman yun eh! There’s always an exceptions naman hahaha :))))




“Wla nga akong maupuan eh. Daming tao ngayon. E matagal pa naman ang exam. Yung iba naman na nakaupo, nagkekwentuhan lang naman!”-ako na naiirita! Bwisit kasi eh Grrr!



“Chill ka lang ganda. Dito ka na lang sa table ka namin makiupo.”-sino naman tong atribidong gwapo na to?



“Jamz, mga barkada ko nga pala. Siya si Aki yang nasa right mo na atribido. Yung nasa left naman si Macky. itong nasa right ko si Aaron. Guys, si Jamila Katarina Onggpauco. Future Mrs. Jarel Tamiso.” Killer smile na naman si Papa  Kiro haha. Uuy! Kinikilg haha :D




“Ang aga mo atang pumasok ngayon, Jamz”-Kiro


“Magbabasa kasi ako sa Torts naming, major din. Baka kasi may biglaang recitation na naman. Forte kasi ni Atty. Quiambao yun!”-Ako



“Ang dami naman ng babasahin sa Society & Culture. Pa-major eh!”-Aaron



“Ilang pages lang po kaya yan?”-sabi ko. Totoo naman e. 5 pages lang kaya yun.



“Madami na kasi samin yung ganyan, Miss Pretty.”-si Aki.



“Ah I see..”ako. tumahimik na lang ako. Baka sabihin nila atribida ako. Baka di nila ako magustuhan para kay Kiro haha. Lantod lungs?! Parang wala sa library eh haha



“Holy crap! Bakit andami nyan?”-sabi ni Macky habang nakatingin sa mga libro at handouts ko. Natawa ako sa reaction nya. Ang cute e. literal na lumaki yung mga mata nya. Though, parang di naman lumaki, kasi chinito sya e. parang walang mata haha. Pareho sila ni Papa Kiro. Maisingit lang talaga si Kiro? Hahahaha

Grabe!  Ako na ang nagulat sa reaction ni Macky! Muntik na nga ata akong malaglag sa kinauupuan ko haha.  Buti nga nahawakan ako sa braso ni Kiro. Shucks! Parang mas malalaglag ata ako sa kinauupuan ko sa ginawa nya! Parang bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa braso ko papunta sa buong parte ng katawan ko! May tawag sa ganun e! Ano yun eh….


“Do you feel that?”-Kiro


Anong sinasabi nya? Ano bay un?!



“Huh?”I know! My answer s*cks! Parang idiot lang e! >_______<




“S-P-A-R-K!” –sagot nya. With conviction pa po talaga!




“Naramdaman ko kaya..” sabi ko… Pro mahina lang. nakakahiya kaya! Nandun pa naman mga kaibigan nya at nasa library pa naman kami! O/////////O



“Ako din e. Mabuti naramdaman mo…Upo ka na..”-sabi ni Kiro habang nakapaskil sa mukha nya ang trade mark nyang killer smile.




Napaupo talaga ako bgla! Nanghina at nangatog ba naman kasi ang mga tuhod ko. Parang nakalimutan ng mga tuho ko ang purpose nya. Nakalimutan mag-function! Gravity! Hawak pa lang yun, ganto na nararamdaman ko, pano kaya kung…… Shhhhh! Shatap! Ayaw kong mag-isip ng kung anu-ano! Nakakahiya! Behave, Jamz! O/////O







Di ko na namalayan ang oras. Masyado akong na-engrossed sa pagbabasa at pagme-memorize ng tahimik.  3PM na pala. Tinggal ko muna yung salamin ko. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko. Punong-puno na ata ako ng morning glory…




“Tapos ka na?”-Kiro




Di nga pala ako nag-iisa sa table na to. May mga kasama pala ko. Sorry! Haha. Ang tahimik kasi nila. Mga busy din. Busy sa paglalaro sa I-Pad, pakikinig ng music sa MP4, at pagke-kwentuhan ng mga tungkol sa kung saan-saan at kung sinu-sino.



Pag-angat ko ng ulo ko..





What a beautiful creation of God! Am I in Mt. Olympus?



Pano ba naman kasi, di lang isa, di lang dalawa, kung di apat na nag-gagwapuhang  lalaki ang tumambad sa akin. Hayyy! Tubig na lang kulang! Kasi sila, di lang kanin kung di ulam na din! Ganun sila kagwapo lahat!




“A..e…oo! tapos na.”-ako. Natulaley na naman ako sa pagmumukha ni Kiro! Gwapo talaga kasi!



“Jackee! Jackee ng LM!”



Napatingin ako sa tumawag sakin. Sina Milo pala at kasama pa nya ang barkada. Magbilang na po tayo kasi…


1





2




3






“Hoy! Jackee! Ano yan huh?”




“Tama bang mag-date bago mag-Torts?”



“Nag-review ka na ba, bakla?”





“Dumadamoves ka Jackee huh!”





Imba talaga sila! Parang wala sila sa library eh! Ang iingay! Buti di kami sinisita ng mga SA (Student Assistant)





“Shhhhhh! Bawal mag-ingay dito! May mga nag-aaral dito! Respeto naman!”-librarian.





Oh yan! Sabi na e! sa sobrang ingay nila, nasita tuloy kami! Nakakahiya talaga sa mga barkada ni Kiro! >________<





“Ang ingay nyo! Kala ko sa kabilang library kayo? Bakit kayo nandito?”-ako




“Susunduin ka sana namin. At… we smell something fishy din kasi, friend!”-Karen.




Tinignan ko mga pagmumukha nila…. Hayup! Angsasama makatingin sa mga barkada ni Kiro eh haha. Mga malalandi talaga. Pinakilala ko sila sa mga barkada ni Kiro. Kasi alam ko naman na gusto nilang ipakilala ko sila sa mga barkada ni Kiro haha





“Oy! Akyat na tayo sa room natin! 3:30 na o!”-Mary.



“A oo nga!”-sabi ko. Para naman mailayo ko sila sa mga barkada ni Kiro. Parang type kasi nilang lapain ng buhay sina Kiro! Pati ba naman ang Papa Kiro ko gusting patusin! He’s mine! ONLY mine! Oha! Possessive lang e haha



“Sige..A-ano Kiro…Ahmnn. Akyat na kami. May class pa kami e.” nagpaalam na din ako sa mga barkada nya.




“See you later.”-si kiro.







Hala! See you later ulit? Gravity! Sabay na naman kami mag-di-dinner! Excited na ko! Yessss!





Sabaw ba? Bitin dib a? Sinanja ko yan hahaha :D
Proceed to the next chapter na lang po :)))

No comments:

Post a Comment